Sunday, January 29, 2012

TALATAKDAAN NG DALAW PATRON 2012


Pebrero 16 Huwebes) Macatbong
Araw ng Alis: Pebrero 17, 4:00 ng Hapon-Banal na Misa

Pebrero 17 (Biyernes) Bagong Buhay
Araw ng Alis: Pebrero 18, 4:00 ng Hapon-Banal na Misa

Pebrero 18 (Sabado) Cabu-Bana
Araw ng Alis: Pebrero 19, 4:00 ng Hapon-Banal na Misa

Pebrero 19 (Linggo) Cabu-Centro
Araw ng Alis: Pebrero 20, 4:00 ng Hapon-Banal na Misa

Pebrero 20 (Lunes) Calawagan
Araw ng Alis: Pebrero 21, 5:00 ng Hapon-Banal na Misa

Pebrero 21 (Martes) Communal
Araw ng Pag-alis : Pebrero 23, 4 :00 ng hapon, Banal na Misa

Pebrero 22 MIYERKULES NG ABO

Pebrero 23 (Huwebes) Pangatian
Araw ng Pag-alis : Pebrero 24, 4 :00 ng hapon, Banal na Misa

Pebrero 24 (Biyernes) Casiong
Araw ng Pag-alis : Pebrero 25, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Pebrero 25 (Sabado) Bagong Sikat
Araw ng Pag-alis: Pebrero 26, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Pebrero 26 (Linggo) Bakero
Araw ng Pag-alis : Pebrero 27, 4:00 ng hapon,

Pebrero 27 (Lunes ) Lagare
Araw ng Pag-alis : Pebrero 28, 4 :00 ng hapon, Banal na Misa

Pebrero 28 (Martes) Bakod Bayan
Araw ng Pag-alis : Pebrero 29, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Pebrero 29 (Miyerkules) Lourdes
Araw ng Pag-alis : Marso 1, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Marso 1 (Huwebes) Patalac
Araw ng Pag-alis : Marso 2, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Marso 2 (Biyernes) Sitio Bantug
Araw ng Pag-alis : Marso 3, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Marso 3 (Sabado) Kalikid Norte
Araw ng Pag-alis : Marso 4, 4:00 ng hapon

Marso 4 (Linggo) Kalikid Sur
Araw ng Pag-alis : Marso 5, 4:00 ng hapon, Banal na Misa

Marso 5 (Lunes) Camp Tinio
Araw ng Pag-alis : Marso 6, 4:00 ng hapon, Banal na Misa







MGA ALITUNTUNIN SA DALAW PATRON 2012

1. May grupo ng sasalubong sa Mahal na Patrong San Jose. Sasalubungin o susunsuin ito sa barangay na panggagalingan.

2. May mga maghihintay din sa kapilyang pupuntahan. Maaari gumawa ng mga banderitas para maging masaya ang pagsalubong. Maaaring gawin ito sa boundary ng barangay.

3. Ihahanda ng barangay na maghahatid sa susunod na barangay ang sasakyan ng patron. Mas mainam na isakay ito sa pick up.

4. Ihanda ang mesang pagpapatungan ni San Jose, gayundin ang kandila at bulaklak.

5. Gamitin ang Aklat Dasalan para sa pagbibihilya. Maaari ding magdasal ng Santo Rosario.

6. Dapat magtalaga ang BPC ng mga mangunguna sa bihilya gayundin ng mga magbabantay. Maaaring bigyan ng talatakdaan o iskedyul ang mga purok.

7. Hindi naman kailangang magdamag ang bihilya. Maaaring hanggang ika-10 lang ito ng gabi. Huwag mag-iiwan ng nakasinding kandila.

8. Maaari ding maghanda ng pagkain para sa mga nagbibihilya. Hindi dapat kumain sa loob ng kapilya. Maghanda ng tanging lugar na kainan.

9. Ipamalita sa barangay ang pagdalaw ng ating patron. Maaaring dalhin ang mga maysakit upang sila’y maipanalangin.

10. Pananagutan ng Barangay Pastoral Council na ingatan at alagaan ang imahen ng Mahal na Patrong San Jose.

11. Ang Lay Minister na nakatalaga sa barangay hanggat maaari ay inaasahang naroon sa araw ng pagdating at pag-alis ng mahal na patron.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive