MGA PATAKARAN TUNGKOL SA BARANGAY/LOCAL ELECTIONS
1. Kung lalahok sa pulitika ang sinumang Lay Presider (LP), Extra-Ordinary Ministers of Holy Communion (EMOHC) o Barangay Pastoral Council Officer (BPC), kailangan ay magbitiw siya sa tungkulin sa Simbahan sa sandaling mag-file siya ng Certificate of Candidacy.
2. Kung mag-file ng Candidacy ang sinuman sa magulang, asawa, anak o kapatid ng LP o EMOHC o BPC Officer, para sa alinmang Elective Position sa nasasakupan ng ating Parokya, ang LP o EMOHC o BPC Officer ay dapat magfile ng leave of absence simula sa campaign period. Maaari siyang makabalik sa paglilingkod sa Simbahan apatnapu’t limang araw (45) pagkatapos ng eleksyon, maliban kung ang sinuman sa magulang, asawa, anak o kapatid ng BPC Officer ay manalo sa posisyong Barangay Captain, ang BPC Officer ay hindi dapat tumanggap ng tugkulin sa Simbahan habang ang Barangay Captain ay nanunungkulan sa kanilang Barangay.
3. Kung ang LP o EMOHC o BPC Officer ay maging Campaign Leader ng isang kandidato, kailangang magfile siya ng leave of absence simula sa campaign period. Maari siyang makabalik sa paglilingkod sa Simbahan apatnapu’t limang araw (45) pagkatapos ng eleksyon.
4. Kung ang LP o EMOHC o BPC Officer ay manalo sa halalan, hindi siya maaaring manungkulan sa Simbahan kasabay ng panunungkulan sa pamahalaan. Kung matapos ang kanyang termino, bibigyan siya ng isang taong (1) pahinga bago makabalik sa paglilingkod sa Simbahan at magkaroon muna ng renewal course ang LP o EMOHC.
5. Kung ang LP o EMOHC ay matalo sa halalan, bibigyan siya ng isang taong (1) pahinga bago makabalik sa paglilingkod sa Simbahan at matapos muna ang renewal course. Kung dalawang beses (2) matalo, hindi na siya maaaring makabalik sa paglilingkod sa Simbahan.
6. Kung ang BPC Officer ay matalo sa halalan, bibigyan siya ng isang taong (1) pahinga bago makabalik sa paglilingkod sa Simbahan, subalit hindi na siya makakabalik sa dati niyang hawak na posisyon kung sa panahong nasasakop ng isang taon (1) niyang pahinga ay magdaos na naman ng re-organisasyon sa Barangay Pastoral Council.
7. Kung kakandidato ang mga nasa ministries tulad ng Lector, Commentator, Greeters at iba, dapat muna silang hindi tumanggap ng assignment sa tungkulin. Makakabalik sila apatnaput’ limang araw (45) pagkatapos ng eleksyon. Makakatupad pa din sila sa tungkulin kahit manalo.
8. Ang mga nasa ministries tulad ng Lector, Commentator, Greeters at iba na may magulang, asawa, anak o kapatid na kakandidato ay maaaring makapagpatuloy sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Padre Jose Salvador D. Mallari
Kura Paroko
Sunday, October 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2010
(22)
-
►
February
(6)
- MGA GAWAIN SA PANAHON NG KUWARESMA AT PAGDIRIWANG...
- Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ...
- Ang Kamangha-manghang Mukha ni Hesus (Ikalawang ...
- Malayo at Malaya sa lahat ng Tukso (Unang Linggo ...
- Si Hesus ang Tanging Kapalaran (Ika-6 na Linggo s...
- May Biyaya sa Pakikinig kay Hesus (Ika-5 Linggo s...
-
►
February
(6)
-
►
2009
(55)
-
►
November
(6)
- ADVENT AND CHRISTMAS SEASON 2009 November 29 F...
- Magbantay at Manalangin (Unang Linggo sa Panahon ...
- RITU NG PAGBABASBAS NG KORONANG PANG-ADBIYENTO AT...
- Hari ng Paglilingkod, Hari ng Katotohanan (Dakila...
- Masayang Wakas. Magandang Bukas (Ika-33 Linggo sa...
- Bawal ang Kuripot! (Ika-32 Linggo sa Karaniwang P...
-
►
November
(6)

0 comments:
Post a Comment