May Biyaya sa Pagtataya
(ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon)
Kung susundin natin ng literal ang sinasabi ni Hesus ngayong Linggo sa Ebanghelyo tiyak maraming mahihirapang sumunod kay Hesus. Hindi madaling bagay na gawin ang paglimot o hindi pagmamahal sa ama, ina, asawa at mga anak, kapatid at maging sa sariling buhay. Hindi din simpleng bagay ang pagpapasan ng krus at maging alagad ni Hesus. Parang napaka-demanding ni Hesus. Mabibigat ang mga hamon Niya sa mga nagnanais na sumunod sa Kanya.
Upang bigyang diin ang mga hamon sa pagsunod sa kanya ginamit niya ang larawan ng pagtatayo ng tore at ang larawan ng haring makikipagdigma. Magkaibang bagay ang ginamit ni Hesus upang ilarawan ang mga hamon ng pagsunod sa Kanya pero tumutukoy sa isang mahalagang bagay bago sumuong sa isang malaking pagpapasya. Ito ang pag-upo at pag-aaral nang mabuti bago gumawa ng pagpapasya. Hindi madali ang sumunod kay Hesus. Hindi madali ang maging lingkod ng Diyos, kung kaya kailangang ang pag-upo at pag-aaral ng mabuti.
Ang pag-upo at pag-aaral nang mabuti ay pag-darasal at pagninilay o sa wikang Ingles ay discernment (Latin discernere- to distinguish or to sift-process of evaluating available options and then making decisions). Ang pagsunod sa Diyos ay nangangailangan ng pagninilay at pagdarasal upang maging mas malinaw sa atin ang kalooban ng Diyos at makita natin natin kung kaya nating magtaya ng talino, yaman at panahon para sa paglilingkod.
Parang nakakalula ang mga hamon ni Hesus. Hindi pangkaraniwan ang mga hamon niyang ibinibigay. Higit pa ang mga ito sa challenges o hamon sa mga reality tv shows na nangangailan lang ng abilidad, talino o kaya magandang diskarte. Hindi lang ganito ang kailangan sa pagsunod kay Hesus. Kailangan ang pagbibigay ng sarili, pagtalikod at pag-iwan sa mga tao, bagay o ugnayan na mahalaga sa atin.
Kailangan ang pagtalikod at pag-iwan para lalong mayakap si Hesus at matupad ang iniaatas Niya sa atin. Gayunpaman, hindi naman ito nangangahulugang balewala na sa atin ang mga taong mahal natin. Ibig sabihin nito si Hesus na ang una, at si Hesus na ang bahala sa kanila. Kailangan ang pagbibigay ng sarili. Hindi maaari maglingkod na walang itinataya. Itataya natin ang talino, yaman at panahon. Ang iba nga pati buhay at kaligtasan nila ay natataya. Hindi ganap ang paglilingkod kung walang nawawala sa atin.
Ngayong Linggo pag-isipan at pagnilayan natin :
Ano/sino ang kaya mong talikuran o iwanan alang-alang kay Kristo
Ano ang kaya mong itaya sa paglilingkod sa Diyos?
Maupo tayo at magnilay kasama si Hesus. Sana huwag tayong malula sa mga hamon Niya. Hindi naman magkululang ang Kanyang mga biyaya kung matututo lamang tayong magtaya at magtiwala.
Saturday, September 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
-
▼
2010
(22)
-
►
February
(6)
- MGA GAWAIN SA PANAHON NG KUWARESMA AT PAGDIRIWANG...
- Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ...
- Ang Kamangha-manghang Mukha ni Hesus (Ikalawang ...
- Malayo at Malaya sa lahat ng Tukso (Unang Linggo ...
- Si Hesus ang Tanging Kapalaran (Ika-6 na Linggo s...
- May Biyaya sa Pakikinig kay Hesus (Ika-5 Linggo s...
-
►
February
(6)
-
►
2009
(55)
-
►
November
(6)
- ADVENT AND CHRISTMAS SEASON 2009 November 29 F...
- Magbantay at Manalangin (Unang Linggo sa Panahon ...
- RITU NG PAGBABASBAS NG KORONANG PANG-ADBIYENTO AT...
- Hari ng Paglilingkod, Hari ng Katotohanan (Dakila...
- Masayang Wakas. Magandang Bukas (Ika-33 Linggo sa...
- Bawal ang Kuripot! (Ika-32 Linggo sa Karaniwang P...
-
►
November
(6)

0 comments:
Post a Comment