Wednesday, May 12, 2010

Bukas na Liham matapos ang Eleksyon 2010


Mga minamahal na Kapatid kay Kristo:

Salamat sa Diyos naidaos nang mapayapa ang kauna-unahang poll automation sa ating bansa. Sa kabila ng ibat’ibang problema bago ang eleksyon at sa araw ng eleksyon, masasabi nating maayos pa din ito. Naipakita nating muli na may karapatan at panangutan ang bawat Pilipino na pumili ng mga maglilingkod sa bayan.

Matapos ang eleksyon ano na ang mangyayari sa atin at sa ating bansa? Madami tayong narinig na matatamis na pangako noong nakaraang kampya. Maging mapagmatyag at mapanuri tayo kung matutupad nga ang mga ito, o mananatili lamang na pangako hanggang sa susunod na eleksyon. Kailangan ding nating makiisa sa pamahalaan. Hindi lahat dapat iniaasa sa gobyerno. May mga magagawa din tayo para makatulong tulad ng pagbabayad ng tamang buwis sa tamang panahon, wastong pagsasaayos ng mga basura, pagsunod sa batas trapiko at ibang malilit na bagay subalit may malaking epekto.

Sa pagkakataong ito nais ipaabot ng Parokya ni San Jose ang taos-pusong pasasalamat sa mga naging bahagi ng paghahanda at pagsasagawa ng Eleksyon 21010. Una, sa mga Speakers’ Bureau at sa mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na matiyagang nagturo sa mga botante at nagbantay sa halalan noong ika-10 ng Mayo. Ikalawa, sa mga guro, pulis at sundalo at iba pang mga kawani ng pamahalaan na malaki din ang ginawang pagsasakripisyo para matiyak ang pagkakaroon ng maayos na proseso ng halalan. Ikatlo, salamat din sa mga lokal na kandidato na nakiisa sa Tipan ng Kapayapaan noong ika-24 ng Marso.

Nais din naming kunin ang pagkakataon ito para manawagan:
Una, sa mga nagwaging kandidato, lokal o national, inaasahan ng mga mamamayan na bumoto sa inyo ang serbisyo publiko. Ito ang kahulugan ng posisyon o awtoridad-paglilingkod.
Ikalawa, sa lahat ng mga kumandidato ngayong eleksyon nanalo man o natalo, sana manguna kayo sa paglilinis ng kapaligiran. Madaming kalat sa paligid mula sa mga ginamit na campaign materials. Malulugod sa inyong ang mga mamayan kung lilinisin ang mga ito.
Ikatlo, sa lahat ng mga mamamayan, bagamat tapos na ang eleksyon, dapat nating tandaan na hindi lang sa ganitong pagkakataon tayo dapat maging makabayan. Ang Pilipinas ay tayong lahat hindi lamang ang mga nasa posisyon. Bansa natin ito. Ang pagmamahal sa bansa na pagpapakita din ng pagmamahal sa Diyos ay simulan nawang ikintal sa puso ng bawat tao sa bawat tahanan.

Tapos na ang eleksyon. Ipagpatuloy nawa ng bawat isa ang hakbang tungo sa kapayapaan, pagkakaisa at masaganang buhay. Mahilom nawa ang mga sugat na dulot ng nakaraang kampanyahan. Paglilingkod na ang ating asikasuhin.

Ipinagkaloob at nilagdaan sa tanggan ng Parokya ni San Jose, Barangay Bangad, Lungsod ng Cabanatuan, ngayon ika-13 ng Mayo 2010, Araw ng Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima.


Reb. Padre Jose Salvador D. Mallari
Kura Paroko

17 comments:

  1. 你不能決定生命的長度,但你可以控制它的寬度 ..................................................

    ReplyDelete
  2. 您的blog蠻不錯的耶,祝你快樂哦!期待您的更新!.................................................................                           

    ReplyDelete
  3. 一時的錯誤不算什麼,錯而不改才是一生中永遠且最大的錯誤.......................................................

    ReplyDelete
  4. 當一個人內心能容納兩樣相互衝突的東西,這個人便開始變得有價值了。............................................................

    ReplyDelete

Blog Archive